top of page
Writer's pictureINSPITIVITEA

ULAN


Patak,

patak,

patak.


Nagsimula sa isa, dalawa, tatlo, hanggang sa patuloy nang bumagsak ang malalaking butil ng tubig sa bubong ng bahay namin. Sabi ng iba, ang unang ulan daw sa buwan ng mayo ay biyaya mula sa langit, naka-gagaling. Pero para sa akin, ito ay senyales na tapos na ang masayang simoy ng tag-araw.


"galit ako sa ulan"

Noon, iyan ang patuloy na tumatakbo sa musmos kong isipan habang pinagmamasdan ang pagpatak niya mula sa salulo. Pakiramdam ko ay ikinukulong niya ako sa loob ng aming tahanan. Kung sa bagay, kung titingnan ay mukha nga naman siyang rehas. Palibhasa'y pinipigulan niya akong makapag-laro sa labas. Kung susubukan ko naman siyang suungin ay sakit ang aking aabutin. Dahil sa maliit kong katawan ay nakuha ko na lamang na umupo sa tabi ng bintana. Marahil ay inaasar niya ako dahil imbis na humina ay patuloy na lumakas ang ingay na dulot n'ya habang dumadampi sa balat ko ang lamig ng simoy ng hangin. Nang mga panahong iyon ay nakatatak na sa aking isipan; inaagaw niyang palagi ang kasiyahan ko.


Hindi ko naman alam na sa paglipas ng panahon ay magiging kaibigan ko ang ulan. Na sa malulungkot kong araw ay sinabayan niya akong umiyak. Sa bawat hikbi ko ay pinaingay n'ya ang mundo upang walang makarinig sa akin. Nawala na ang takot kong suungin siya, dahil ang bawat pagpatak n'ya ang nagtago sa mga butil ng luha sa aking pisngi. Ang tubig na dumadampi sa balat ko ang nagsasabing hindi ako nagiisa. Napagtanto ko na kailan man ay hindi niya ako inagawan ng kasiyahan, dahil binigyan niya ako ng pahinga mula sa magulong mundo.


Sa tagal ng panahon ay hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng walang luha. Kaya para sa ikaw, na nagtatago sa mukha ng kasiyahan kahit patuloy pang nasasaktan. Sana ay mahanap mo ang ulan na magpapakita sa'yo na walang mali sa pag-iyak. Hindi mo kailangang mahiya kung umiyak ka man dahil hindi mo na kaya, kung humingi ka ng tulong kasi pagod ka na.


Wala namang magagalit kung iiyak ka dahil sobra na ang sakit diba? Kahit ulan pa yan.



ULAN,

written by: Haidee Maneja

photo courtesy: Nicole Brozo


9 views0 comments

Recent Posts

See All

Una

SCOPE ZERO

Comments


bottom of page