Tanghaling tapat gusto na akong patulugin ni inay.
Kung kailan ako nag lalaro ng habul-habulan at taya-tayaan bigla naman akong tatawagin ni inay upang uminom ng tubig. Akala ko iinom lang at pupunasan ang aking pawis sa likod, ngunit diretso pala tulog.
Ayokong matulog, masaya ako sa labas.
Ayokong matulog, nagtatawanan pa kami.
Ayokong matulong, baka 'di na'to mangyari bukas.
Ayokong matulog, paano pag nawala sila?
Ayokong matulog.
Pilit akong nakikipag laban kasabay ang mga luha na patuloy na bumabagsak sa aking mga mata, isama mo pa ang sipon kong ayaw tumigil kasabay ng mga hikbi ko.
Ang ingay naman kasi, sinong makakatulog ng ganito?
Tanghaling tapat palang, pero umiiyak na naman ako.
Hindi ko mapigilan ang luha ko. Ayoko ng ganito. Gusto kong tumigil sa pag-iyak. Gusto kopang lumaban.
Habang tumatagal ang panahon, mas gugustuhin ko nalang matulog kaysa makihalubilo sa mga tao. Ang pagtulog ay naging sandalan upang takasan ang mga kahapong ayaw konang balikan. Namamahinga, kahit maghapon akong tulog sa madilim na kwarto. Pagod na pagod at walamg lakas bumangon kahit ang ginawa kolang naman ay matulog.
Tuwing Tanghaling tapat ako ay tulog na tulog, ngunit sa gabi ako ay gising na gising, nag-iisip kung lalaban paba o ititigil na. Ansarap palang matulog, tahimik ang lahat, kusa naring bumabagsak ang mata ko sa pagod kaka-iyak.
Hindi naman siguro masamang matulog, kung dito ako kumukuha ng lakas upang ituloy ang bukas. Ang importante ay natuto tayong mamahinga sa nakakapagod na mundo. Huminga ka, kasabay ng pagtulog mo.
Tanghaling Tapat
written by: Nicole Brozo
photo courtesy: Nicole Brozo
Komentar