Simula alas siyete ng gabi may buwan nang lumabas. Minsan ito'y dilaw, pula at puti.
Minsan naman ito'y buo, o kalahati.
Sa bawat gabi kung saan pigil ang bawat hikbi at iyak, dahil baka marinig ng aking inay. Iniisip ko rin kung naririnig rin ba ng b'wan ang mga nararamdaman ko gabi-gabi, hangang mag hating gabi.
Sa bawat oras hanggang mag umaga, binabantayan kaya ako ng b'wan hanggang ako'y huminahon na?
Napakabait naman n’ya. Dahil kung anong dilim ng aking buhay noon, s'ya ang nag bi-bigay ng liwanag upang ako'y makaahon hanggang ngayon.
Tingin ng B’wan
written by: Nicole Brozo
photo courtesy: Nicole Brozo
Comments