Kaya mo yan!
Okay ka lang ba?
Nandito lang ako.
Kumusta ka ngayon? Okay ka lang ba?
Sa umaga't gabi na aking ginugugol
Sa mga aralin, gawain na hindi ko alam kung anong patutunguhan ng pag hihirap na ito.
Puyat at pagod na aking nadarama sa bawat araw.
Lungkot at pighati sa pag sapit ng gabi, isip na kung saan-saan napadpad. Hindi ko alam kung saan patungo gulong-gulo, litong-lito ang isip na ito. Ano ba ang pwedeng mangyari rito?
Ngunit sa oras na nahihirapan ay nariyan ka.
Nariyan ka sa tuwing ang isip ay naguguluhan, sa tuwing hindi na alam ang gagawin. Salamat sa mga simpleng paalala at pag-aalala "Okay ka lang ba?" Simpleng salita pero sobrang lalim ng nadarama na para bang isang pahinga , pahinga sa nakakapagod na na araw.
Hayy... Nakakapagod talaga na gawin at ibigay kung anong makakaya mo, kaya nag pa-pasalamat ako na nariyan ka. "Kaya mo yan!" Sadyang napaka sarap sa pakiramdam, napaka sarap pakinggan na para bang musika sa aking tenga na kahit ba ako'y pagod, binibigyan ako ng lakas at inspirasyon para mag patuloy na nasimulan kahit nahihirapan.
Sadyang tiklop nakaka-panlambot ng puso ang yong mga salita, simple lamang ito ngunit napaka lalim ng aking nadarama.
Sa katunayan, hindi ko na alam ang gagawin? Hindi ko na alam? Pero nariyan ka.
Sadyang napaka sarap sa pakiramdam na may handang umalalay, umagapay at maniwala sayo. Kaya't heto ako mag papatuloy sa mga pangarap na nais abutin, patungo sa buhay na nais makamtan at naisin.
Sa araw at gabi, sa mga luhang pumapatak sa bigat ng dibdib na nadarama. Paano na? Paano na ako? Ngunit, may isang tinig anong naririnig "Nandito lang ako."
Bigla na lamang akong napa ngiti, na may isang tao pala na handang umalalay at umagapay sayo sa mga oras na ika'y na lulumbay. "Okay ka lang ba?" "Alam kong kaya mo yan!"
Alam kong nahihirapan ka at kailangan mo nang karamay kaya "Nandito lang ako.
Words of Affirmation
written by: Kient Justine Martillano
illustration by: Nicole Brozo
😝Cutie nyo namang lima